Isa ka ba sa mga overseas worker na nakabalik na at kasalukuyang nasa quarantine sa inyong komunidad? O kaya naman ay nakauwi na sa iyong pamilya? Dahil inaasahan na marami pa ang uuwi dito sa bansa dulot ng COVID-19 crisis, pinagtutuunan ng pansin ngayon ang mga tulong pangkabuhayan na maaaring ibigay sa mga returning OFW.
 
Ang Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang government agencies ay nagpapatupad ng mga programa na magbibigay ng livelihood, financial, at training assistance. Narito ang ilan sa mga tulong na maaari mong makuha.
  1. Livelihood Program
    Sa tulong ng pagbabalik ng Balik Pilipas, Balik Hanapbuhay Livelihood Program na isang livelihood package assistance ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA), mabibigyan ng halagang P20,000 ang returning member-OFWs na magsisibling panimulan o pandagdag na kapital para sa iyong nais na negosyo o livelihood project. Ang programang ito ay may kasama rin Entrepreneurship Development Training (EDT). Ayon sa OWWA website, ito ang requirements na kailangan:
    • Application Form
    • Certificate ng Entrepreneurial Development Training
    • Business Plan/Proposal na inaprubahan ng RWO Director na nagsasaad ng sustainability/feasibility ng napiling livelihood project
    • Proof of repatriation o pagbalik sa Pilipinas (passport o travel documents, airline ticket)
  2. Financial Assistance
    Kasalukuyan pa ring pinapatupad ang programa ng DOLE na Abot-Kamay sa Pagtulong o AKAP. Ang DOLE-AKAP ay nagbibigay ng one-time financial assistance na nagkakahalaga ng P20,000 para sa mga OFW na regular o documented, qualified undocumented, at mga Balik-Manggagawa. Kung nais makakuha ng assistance na ito, basahin dito ang mga hakbang kung paano makakapag-apply.
  3. Transportation
    Kung ikaw naman ay stranded sa Metro Manila, inilunsad ang Hatid-Probinsya Program para tulungang makauwi ang mga OFW, estudyante, at mga turista. Ito ay isang “short-term” o panandaliang transportation assistance para sa mga taga-probinsya na hindi makabalik dahil sa kawalan ng public transport sa mga lugar na nasa ilalim ng community quarantine. Nangangailangan makipag-ugnayan ang mga stranded na OFWs sa DOLE para mabigyan ng tulong na ito.
  4. Free Training
    Kung nais kumuha ng free skills online training sa iba’t ibang kurso, mas pinadali na ang application process sa tulong ng programa ng TESDA na Abot Lahat ng OFWs. Sundin lamang ang mga sumusunod na instruction:
    • I-download ang TESDA Mobile App sa Google Play Store o App Store
    • I-click sa app ang button for online registration
    • I-fill out ang form
Mahalaga ang mga programang ito para makatulong sa unti-unting pagbangon ng mga OFW lalo na't patuloy pa ring nakakaapekto ang COVID-19 crisis sa trabaho at kabuhayan ng maraming tao.