Ang DOLE-AKAP program ay naglalayon magbigay ng one-time financial assistance na nagkakahalaga ng USD200.00 o Php10,000.00 sa landbased at seabased OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Narito ang mga detalye sa programang ito:
-
MGA SAKOP NG PROGRAMA:
-
Regular o Documented OFWs ayon sa 2016 Revised POES Rules and Regulations ay ang mga sumusunod:
- May valid passport at visa o permit na nagpapahintulot na manatili at magtrabaho sa bansang kinaroroonan;
- May contract of employment na mismong ang POEA o ang POLO ang nagproseso.
-
Qualified Undocumented OFW
- Orihinal na isang regular o documented worker ngunit sa ilang kadahilanan ay nawalan ng regular o documented status;
- Hindi registered sa POEA o ang kontrata ay hindi naproseso ng POEA o ng POLO, ngunit nagpakita ng aksyon para ma-regularize ang kanilang kontrata;
- Hindi registered sa POEA o ang kontrata ay hindi naproseso ng POEA o ng POLO, ngunit aktibong miyembro ng OWWA sa oras ng pagkuha ng financial assistance.
-
Balik-Manggagawa na hindi nakabalik sa bansang pinagtatrabahuhan dahil sa mga lockdown na pinatupad.
-
Regular o Documented OFWs ayon sa 2016 Revised POES Rules and Regulations ay ang mga sumusunod:
-
MGA MAAARING MAG-AVAIL:
- Mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown o quarantine na pinapatupad sa bansang pinagtatrabahuhan o kaya ay dahil tinamaan ng sakit;
- Kasalukuyang nasa bansang pinagtatrabahuhan pa, o nasa Pilipinas bilang Balik-Manggagawa, o na-repatriate na sa Pilipinas; at
-
Hindi pa nakakatanggap ng kahit na anong financial assistance mula sa bansang pinagtatrabahuhan o sa employer.
-
MGA HAKBANG SA PAGKUHA:
-
Para sa mga OFWs on-site:
-
Magsumite ng mga sumusunod na dokumento sa POLO:
- Accomplished Application Form para sa Special Cash Assistance na downloadable sa POLO website o social media accounts.
- Kopya ng Passport o Travel Document
- Pruweba ng overseas employment tulad ng valid verified overseas employment, Overseas Employment Certificate (OEC), resident I.D.s, visa/ re-entry visa o permit to stay sa bansang kinaroroonan;
- Pruweba ng pagkawala ng trabaho dahil sa COVID-19 tulad ng notice of termination of employment o closure of the company issued by Foreign Recruitment Agency o ng employer, incident report ng employment termination na sinumite ng employer sa POLO, Philippine Embassy/Consulate POLO/OWWA certification/referral of displacement dahil sa COVID-19; at
- Para sa mga Qualified Undocumented OFW, pruweba na sila ay may on-going case para maayos ito (case reference number, case endorsement stamped by POLO, etc.).
-
Susuriin ng POLO ang mga dokumento sa loob 5 working days at ipapaalam sa OFWs ang status ng kanilang application.
-
Magsumite ng mga sumusunod na dokumento sa POLO:
-
Para sa mga Balik-Manggagawa o Repatriated:
- Mag-apply online at pumunta sa link na ito dole-akap.owwa.gov.ph/. Ilagay lahat ng mga impormasyong hinihingi.
-
I-click ang “NEXT” button at ihandang i-upload ang mga sumusunod:
- Kopya ng Passport o Travel Document
- Kopya ng flight ticket o boarding pass bilang pruweba ng pagbalik sa Pilipinas o arrival stamp/sticker sa passport
- Pruweba ng overseas employment tulad ng valid verified overseas employment, Overseas Employment Certificate (OEC), resident I.D.s, visa/ re-entry visa o permit to stay sa bansang kinaroroonan;
- Pruweba ng pagkawala ng trabaho dahil sa COVID-19 tulad ng notice of termination of employment o closure of the company issued by Foreign Recruitment Agency o ng employer, incident report ng employment termination na sinumite ng employer sa POLO, Philippine Embassy/Consulate POLO/OWWA certification/referral of displacement dahil sa COVID-19; at
- Para sa mga Qualified Undocumented OFWs, pruweba na sila at ang kanilang employer ay gumawa ng aksyon para sila sa ma-regular tulad ng employment contract, payslip, work visa, atbp.
- I-click ang “SUBMIT” button. I-check ang email para sa confirmation receipt.
-
Susuriin ng OWWA Regional Welfare Offices ang mga dokumento sa loob ng 5 working days at ipapaalam sa OFWs ang status ng kanilang application. Maaaring tawagan o i-message ang mga OFW sa contact details na kanilang ibinigay o kaya ay sa kanilang FB Account. Ihanda ang mga actual documents in case na kailangan ipakita.
-
Para sa mga OFWs on-site:
-
PAG-ISSUE NG FINANCIAL ASSISTANCE
Sa oras na maaprubahan ang application, ipapadala ang pera sa pamamagitan ng bank transfer o money remittance o Peso Net (local).