Kasali ba ito sa mga resolutions mo?

New year, new me na rin ba ang motto mo this 2020? May listahan ka na rin ba ng New Year’s resolutions mo? Bilang overseas Filipino worker (OFW), siguradong busy na busy kang magtrabaho ng maayos. Kaya ngayong simula ng taon, oras nang i-reassess ang priorities mo. Saan ka nga ba nakafocus? Umuunlad ka ba sa lifestyle na meron ka? Kung OFW ka, tiyak na may mga New Year’s resolutions dito na tutugma sa pangangailangan mo.

  1. Save money
    Nakakatukso naman talagang magwaldas ng pera, pero importanteng mayroon kang sapat na savings para hindi ka mag-panic in case of emergencies. Ngayong taon, magbukas ka ng savings account. Gawin mong kaugalian ang magtabi ng pera para rito sa tuwing sumasahod ka.
     
  2. Get insured
    Importanteng secured ka, lalo na at nagtatrabaho ka sa malayo. Mahirap magkasakit. Mahirap maaksidente. Para mabawasan ang pag-aalala mo, siguraduhin mong insured ka. Mandato ng Philippine Overseas Employment Administation (POEA) na sakop ng libreng compulsory insurance ang mga OFW.
     
  3. Invest in the future
    Simulan mo nang mamuhunan para sa kinabukasan mo. Mag-research ka ng mga pwedeng maging investment mo. Sa article na ito, matututo ka ng ilang mga negosyong pwede mong simulan bilang OFW.
     
  4. Give with love
    Nakaugalian na ng mga Pilipino ang pagiging mapagbigay sa mga mahal sa buhay. Kaya lang, may ilang OFW ang napepressure lang kaya nagpapadala ng pera o regalo sa mga kamag-anak. Ngayong taon, ayusin mo ang pananaw mo at pakawalan mo na ang pressures. Hayaan mong maging taos-puso ka tuwing nagbabahagi ka ng biyaya.
     
  5. Walk more
    Importanteng malusog ka, kabayan! Kahit simulan mo lang ang pang-araw-araw mong pag-eehersisyo sa paglalakad. Masdan mo ang paligid; langhapin mo ang malinis na hangin; tamasahin mo ang banyagang lupa.
     
  6. Eat better
    Kahit na mas madaling lumamon ng instant noodles o fast food, alalahanin mong kumain pa rin ng tama. Tandaan mo ang pangkalusugang benepisyo ng pagkain ng gulay!
     
  7. Cook more
    Maraming benepisyo ang pagluluto sa bahay. Unang una, makatitipid ka. Pangalawa, mas madalas na malinis ang pagkaing niluto mo kaysa sa pagkaing mahahanap mo sa labas. Pangatlo, maeensayo mo ang cooking skills mo. Pang-apat, pwede kang magluto ng kahit anong gusto mo—sinigang, adobo, kare-kare… Sagot sa homesickness ang pagkain!
     
  8. Stand straight
    Sanayin mo ang sarili mong tumayo ng tuwid. Bukod sa nakagaganda ng kalusugan ang proper posture, pagmumukhain ka rin nitong mas propesyonal!
     
  9. Move your body
    Kung pwede kang maglakad o mag-bike papuntang opisina, bakit hindi? Kung madalas kang nakaupo sa tapat ng kompyuter, tumayo tayo ka maya’t maya.
     
  10. Visit parks
    Tamasahin mo ang kalikasan. Makipaglaro ka sa mga bata. Maglakad ka ng aso.
     
  11. Read regularly
    Bukod sa kalibangang dala ng pagbabasa, marami ka ring matututunan sa mga libro o artikulo. Mapalalawak ng mga ito ang bokabularyo mo at kaalaman mo. Kung gusto mong lumawak ang mga karunungan mo sa pagiging OFW, magtungo sa WorkAbroad.ph para makapagbasa ng ilang mga artikulo.
     
  12. Visit museums
    Kilalanin mo ang kasaysayan ng bansang tinitirhan mo. Maglabas ka ng stress habang humahanga ka sa iba’t ibang likhang-sining.
     
  13. Be early
    Alisin mo ang paniniwalang laging late ang mga Pilipino. Maging maaga ka na sa mga appointment mo!
     
  14. Be a tourist
    Maraming taong nangangarap lang makaapak sa ibang bansa. Ngayong nandyan ka na, bakit hindi mo enjoy-in ang destinasyon mo? Tuwing day-off mo, magtungo ka sa iba’t ibang tourist attractions. Mag-aya ka rin ng mga kaibigan mong OFW!
     
  15. Learn more skills
    Ngayong bagong taon, palawakin mo ang skill set mo. Hindi lang ito makatutulong sa trabaho, kung hindi pati na rin sa pagkatao mo. Kumuha ka ng online classes. Matuto ka ng traditional cooking. Sumubok ka ng mga bagay na hindi mo pa nasusubukan noon.
     
  16. Connect with your family
    Maging mas intensyonal ka sa pagkukunekta sa pamilya mo. Ngayong meron nang Skype, Facebook, at iba pang social networking sites at apps, pwedeng pwede mo silang i-contact ng mas madalas. Kumustahin mo sila, at balitaan mo sila ng mga nangyayari sa buhay mo.
     
  17. Make more friends
    Palawakin mo ang grupo mo! Kilalanin mo ang mga OFW sa paligid mo. Makipagkaibigan ka sa mga katrabaho mong banyaga. Iwasan mo ang pagiging homesick at humanap ka ng barkadang pwede mong ayaing lumabas tuwing nalulungkot ka!
     
  18. Follow instructions
    Maging mas alerto ka sa mga batas at tagubilin sa bansa at opisina mo. Ipakita mong marangal ang mga Pilipino!
     
  19. Forgive
    Ngayong bagong taon, pakawalan mo na ang mga hinanakit mo sa ibang tao. Matutong magpatawad; magmahal pa lalo. Walang puwang ang poot sa buhay mo kung gusto mong maging mas maunlad at mas masaya.
     
  20. Pray
    Huwag mong kalilimutang humingi sa Diyos ng kalakasan at kaginhawaan. Pasalamatan mo rin Siya na nagbiyaya sa iyo ng trabahong ito.