How To Decide Whether Or Not To Work Abroad

How To Decide Whether Or Not To Work Abroad


Date Posted: December 19, 2019


Need help figuring out whether or not you should work abroad? Here’s some food for thought to help you decide!
Maraming benepisyo ang pagtatrabaho sa ibang bansa, kaya naman maraming nangangarap na gawin ito. Malaking tulong ang pangingibambansa sa career growth ng isang tao. Nakatutulong din ito sa mga gustong makaipon. Masaya rin itong hakbang na ito sa mga taong gustong makapag-travel.
Sa kabila nito, marami ring sakripisyo ang kailangang ibigay ng mga Overseas Filipino Workers (OFW). Kailangan mong dumaan sa mahabang proseso, mag-adjust sa bagong kapaligiran, matuto ng bagong lenguahe at kultura, at higit sa lahat, mawalay sa pamilya at mga kaibigan mo.
Hirap ka pa rin bang magdesisyon sa kung dapat ka nang magtrabaho sa ibang bansa? Ito ang ilan sa mga tanong na pwede mong isaalang-alang sa pagdedesisyon.
Oras na bang iwanan mo ang trabaho mo?
Kung mangingibambansa ka, malamang iiwanan mo ang kasalukuyan mong trabaho. Oras na nga bang isakripisyo mo ito? Kung nakikita mong mas malaki ang job opportunities mo sa ibang bansa, baka nga magandang ideya na maging OFW ka na.
May mga responsibilidad ka ba sa pamilya?
May mga kamaganak ka bang nakadepende sa presensya mo? Kailangan mo ba silang alagaan? Mahirap mangibambansa kung mabigat pa ang papel mo sa pamilya, dahil lalo ka lang maho-homesick. Ngunit kung kaya naman ng mga kamaganak mo ang kanilang mga sarili, ano pang pumipigil sa iyo?
Handa ka na ba financially?
Bago ka mangibambansa, marami ka pang kailangang bayaran. Kung may pangarap kang umahon sa kahirapan, ngayon pa lang ay iwasan mo nang malubog sa utang. Siguraduhin mo munang kaya mong bayaran karamihan ng gastos ng paglipat ng OFW. Mas mainam din kung may savings ka na, para hindi ka mapunta sa alanganin.
Matatag na ba ang puso mo?
Dahil marami kang kailangang i-adjust kapag lumipat ka sa ibang bansa, dapat matatag ka na bilang tao. Marunong ka na bang makihalubilo sa mga foreigner? Kaya mo na bang makibagay sa iba’t ibang kultura? Kung sanay ka naman nang makipag-usap sa mga tao, bakit hindi mo subukang mag-apply bilang OFW?
May maayos ka na bang ahensya?
Para makaiwas ka sa hindi kinakailangang gastos, siguraduhin mong maayos ang ahensyang tututok sa iyo. Maaari kang magtungo sa WorkAbroad.ph, isang online job platform para sa mga naghahangad na OFW. Lahat ng recruitment agency rito ay lisensyado ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) kaya sigurado kang matino ang mga ito. Mas madali at mas mura rin ang proseso rito dahil pwede kang mag-rehistro kahit saan, basta may koneksyon ka sa internet.
Alam mo na ba kung anong gusto mong gawin?
Hindi basta basta ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Dapat handa ka na at may plano ka na. Saang bansa ang naiisip mong pagtrabahuhan? Kumusta ang demands nila sa propesyon mo roon? Mayroon bang visa na kailangan mong alalahanin? Kaya mo bang mag-adjust sa kultura nila roon?
Lahat ng mga tanong na ito ay mainam na pag-aralan mo muna ng maigi. At syempre, mahalaga ring magbasa-basa ka ng iba’t ibang artikulo sa WorkAbroad.ph para tunay kang makapaghanda.


Loading comments ...
Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here



Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here

Related Categories

Search for Jobs Abroad