Para sa mga OFWs, mahalaga ang pagiging alerto at maingat upang makaiwas sa iba't ibang uri ng panloloko. Sa dami ng posibleng scam sa job hunting, mas mainam na maprotektahan ang sarili. Narito ang ilang practical tips na makakatulong sa'yo na makaiwas sa scams.
Tips Para Manatiling Ligtas
Iwasan ang Unsolicited Offers
Kapag may biglaang job o investment offer na dumating sa social media, huwag agad magtiwala. Siguraduhing i-verify ang source bago magdesisyon para maiwasan ang mga scam.
Protektahan ang Personal na Information
Huwag basta-basta ibigay ang iyong mga dokumento, tulad ng passport o financial details, lalo na sa mga unverified platforms. Madalas gamitin ito ng scammers para manloko at makakuha ng sensitive na impormasyon.
Kumonsulta sa mga Eksperto
Para sa mga investment opportunities, laging kumonsulta sa licensed financial advisors. Mas mainam na maprotektahan ang sarili kaysa sa mahulog sa mga hindi tiyak na oportunidad.
Gumamit ng Mga Trusted Platforms
Gamitin ang mga website tulad ng Department of Migrant Workers (https://dmw.gov.ph/licensed-recruitment-agencies) at WorkAbroad.ph, na may verified job listings. Sa mga trusted sites na ito, makakasigurado kang safe at legit ang mga recruitment agencies at trabahong ina-applyan mo.
Mga Karaniwang Uri ng Scams na Dapat Bantayan
Fake Job Offers
Isa sa mga pinaka-common na scam ay ang fake job offers. Madalas may promise ng malaking sweldo o mabilis na processing, pero ang totoo, nanghihingi lang sila ng pera para sa "processing fees" o iba pang bayarin. Ang WorkAbroad.ph ay may verified job listings, kaya lagi itong i-check bago mag-apply.
Phishing Scams
Nagpapanggap ang mga scammers na official agencies o kilalang job sites para makuha ang iyong login details at iba pang personal na impormasyon. Huwag basta mag-click ng mga link na galing sa email o text, at tiyakin na ang website na binibisita ay legit. Ang WorkAbroad.ph ay secured platforms na mapagkakatiwalaan.
Ano ang Gagawin Kung Nakaharap ka ng Scam
I-report Agad
Kung sakaling makatagpo ka ng scam o kaduda-dudang offer, huwag itong palampasin. I-report ito sa DMW para matulungan ang ibang OFWs na hindi ma-scam.
Huwag Magpadalos-Dalos
Ang mga scammers ay madalas nagmamadali at nanggigipit para mapa-oo ka agad. Huwag magpadala sa pressure na ito. Maglaan ng oras para mag-research at kumonsulta sa mga taong mapagkakatiwalaan.
Frequently Asked Questions (FAQs)
Paano ko malalaman kung legit ang job offer?
Mahalaga ang pag-check kung ang job offer ay may verified posting sa DMW (Department of Migrant Workers) o sa WorkAbroad.ph. Kung hindi ito nakalista sa mga trusted job boards o wala sa database ng DMW, malaking posibilidad na ito ay hindi totoo. Pwede ring tingnan ang mga review ng agency o employer at kumonsulta sa mga fellow OFWs na may karanasan sa mga job placements.
Ano ang mga common red flags ng scams?
Maraming red flags ang nagpapahiwatig na maaaring scam ang isang job offer. Narito ang ilan sa mga pinaka-karaniwan:
-
Agad-agad na paghingi ng pera para sa “processing fees,” “visa,” o “medical.” Sa WorkAbroad.ph, walang initial na bayad na hinihingi sa pag-a-apply.
-
Masyadong malabo o hindi tiyak ang job description. Ang mga tunay na employers ay naglalagay ng detalyadong job description para sa kanilang mga job postings.
-
Mga grammar at spelling errors sa kanilang messages o emails. Karaniwang nagpapakita ito ng kawalan ng professionalism at kaduda-dudang intensyon.
-
Hindi verified ang contact details o address ng employer. Maaaring mabilis na i-Google ang address ng company o i-check ang official website ng DMW para siguradong totoo ang kumpanya.
-
Masyadong magandang offer tulad ng sobrang taas na sahod o walang karanasan na kailangan—ito ay maaaring isang bait para makaakit ng aplikante.
May bayad ba ang pag-a-apply sa WorkAbroad.ph?
Walang bayad ang pag-a-apply sa mga verified job listings sa WorkAbroad.ph. Ang lahat ng job opportunities dito ay free para sa aplikante, kaya kung may nanghihingi ng bayad o fee para makapag-apply, ito ay maaaring scam. Tiyakin din na nakikipag-usap ka lamang sa mga contact na nakalista sa platform.
Ano ang dapat kong gawin kung ako ay nakatanggap ng suspicious job offer?
Kung makatanggap ka ng job offer na tila kahina-hinala, huwag itong basta tanggapin. I-report ito sa DMW upang maimbestigahan at matulungan ang ibang OFWs na makaiwas sa parehong scam. Pwede ka ring mag-post sa mga OFW community groups online upang maipaabot ang babala sa iba pang kababayan.
Paano makakatulong ang WorkAbroad.ph sa aking job search?
Ang WorkAbroad.ph ay isang verified job portal na tumutulong sa mga OFWs na makahanap ng secure at legitimate na trabaho. Ang platform ay may:
-
Verified Job Listings na mahigpit na sinusuri para matiyak na legit ang mga employers.
-
Application Tracking Feature na makakatulong sa’yo na masubaybayan ang status ng iyong application, kaya alam mo kung ang iyong aplikasyon ay natanggap, nire-review, o shortlisted na.
-
Recommended jobs upang mabilis kang ma-notify kapag may bagong job openings na tugma sa iyong skills at experience.
Bakit mahalaga ang paggamit ng trusted platforms tulad ng WorkAbroad.ph?
Sa pagdami ng online job scams, ang paggamit ng mga trusted at verified platforms tulad ng WorkAbroad.ph ay nagbibigay ng extra layer of security. Sa pamamagitan ng platform na ito, mapoprotektahan ka laban sa mga pekeng job offers dahil lahat ng job listings ay dumaan sa verification process. Bukod pa rito, ang WorkAbroad.ph ay may customer support na handang tumulong kung may tanong ka o nais i-report na issue.
For other articles regarding avoiding scams, please click check the following links below: