Hugot Songs Para Sa Mga Malayo sa Pamilya

Ang mga overseas filipino worker (OFW) ay tunay na mga bayani ng bayan. Kahit mapalayo sa Pilipinas, tinitiis nila ang lungkot para lang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Bukod pa sa kanilang mga sakripisyo, nakadadagdag din sila sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa naipapasok nila na mga remittance. Kinakaya nila ang pagiging mag-isa para sa pag-unlad hindi lang ng kanilang pamilya ngunit pati na rin ng ating bansa.

Isa sa magandang ugali ng mga OFW ay ang pakikipagkapwa nila sa mga kababayan habang nasa abroad. Kadalasan, isa ito sa mga nakakatulong para malabanan ang lungkot dulot ng pagiging malayo sa bayan. Ngunit, ayon sa research, ang pakikinig sa musika ay nakatutulong sa atin na mailabas ang ating mga damdamin at malabanan ang lungkot.

Para makatulong sa ating mga OFW na nagtatrabaho, heto ang hugot playlist para malibang sa trabaho.

1. Manila, Hotdog

Hinahanap-hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga


Sa mga OFW na marami ng beses umalis ng bansa, napaka akma ng kantang “Manila” ng bandang Hotdog. Sa kantang ito, makikita natin ang pagsisikap ng kumakanta. Panigurado, marami ang makaka-relate sa kantang Manila lalo na pag namimiss ang Pilipinas. Kahit ilang beses pa umalis ng bansa para mag-trabaho, ang mga OFW ay babalik dahil “there’s simply no place like home” nga naman. Kahit pa ang ingay ng mga jeep nakakamiss kapag malayo sa pamilya at nagtatrabaho sa ibang bansa.

No place in the world like Manila
I'm coming home to stay

2. Awit ng Barkada, APO Hiking Society

Kahit sino pa man ang may kagagawan ng 'yong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay, kung minsan ay nagbibiro
Nandirito kami, ang barkada mong tunay, aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami'y kasama mo.


Tunay nga naman na parang pamilya na rin ang pinaka matalik na kaibigan. Bilang OFW, hindi lang pamilya ang naiiwan mo sa Pilipinas. Kasama na dito ang mga kaibigan na kasama mo lumaki, sa hirap at ginhawa. Tuwing meron kang problema—lalo na ang mga hindi maikwento sa pamilya—sa kaibigan tayo tumatakbo. Kapag namimiss ang iyong mga kabarkada, bumirit sa “Awit ng Barkada” na hatid ng APO Hiking Society at madama na mahalaga ang mga kaibigan natin at lagi silang andito na matatakbuhan mo. Hindi ka nag-iisa, friend!

3-4. Basang-Basa Sa Ulan at Christmas Bonus, Aegis

Mula sa bandang Aegis ay dalawang kanta na tunay nga namang kabirbirit para sa mga OFW!

Sabi nga ng Aegis sa kantang “Basang-Basa Sa Ulan,”

Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin

Kahit na gaano pa kahirap ang magtrabaho sa ibang bansa, kahit anong pagsubok ang padaanan, lalaban at lalaban ang manggagawang Pilipino para maitaguyod ang kanyang pamilya.

Isa pang kanta nila na karelate-relate lalo na sa panahong ng Pasko ay ang kantang, “Christmas Bonus.”

Kay sarap makatanggap ng Christmas bonus
Para bang problema mo'y na-hocus-pocus
Pambili ng regalo, panghanda sa lahat ng gastos
Halos solved na'ng lahat kung may Christmas bonus

Nakakasaya nga naman na may pangdagdag sa gastusin sa bahay!

5. Daisy Syete, Sexbomb Girls

Bata pa lang, kami ay mayro'n ng mga pangarap
Bawat isa ay may kan'ya-kan'yang hinahangad
Ang guminhawa sa buhay at makaahon sa hirap
Nang aming matikman ang magandang bukas

Hindi tayo pinalaki ng Sexbomb para bumawi, laban lang!

Ang mga OFW, lalo na ang mga magulang na nangingibang bansa para sa mga anak, ay walang ibang hangad kung hindi ang mapabuti ang buhay. Kapag nahihirapan na o napapagod, alalahanin ang dahilan kung bakit kailangan mag ibang bansa para magtrabaho. Isipin na lamang na ang lahat ng paghihirap ay may hangganan, at ang lahat ng pagtitiis ay may patutunguhan.

6. Sa’yo, Silent Sanctuary

Tumingin sa'king mata
Magtapat ng nadarama
'Di gusto, ika'y mawala
Dahil handa akong ibigin ka
Kung maging tayo
Sa'yo lang ang puso ko

Para naman sa mga OFW na may naiwan na minamahal sa Pilipinas, relatable ang kanta ng bandang Silent Sanctuary. Buti nalang may Zoom at Facebook para sa mga virtual date at mga hugot songs tulad ng “Sa’yo!”

7. Ikaw at Ako, Moira dela Torre at Jason Marvin

Walang makapipigil sa dalawang puso na nagmamahalan. Ikai nga ni Moira dela Torre,

At ngayon, nandiyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako.

Kaya kapit lang, friend!

8. Araw Gabi, Regine Velasquez

Ate Reg knows it all.

                      Tungkol saan naman kaya'ng awitin para sa 'yo
                      'Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono
                      Sampu man aking diksyonaryo
                      Kung ang tugma'y 'di wasto
                      Bastat isiping 'di magbabago
                      Damdamin ko sa iyo

Araw man o gabi, kapag nagtatrabaho sa ibang bansa, hindi maiiwasan na isipin ang pamilya at mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Minsan, hindi rin sapat ang salita para masabi ang nilalaman ng puso, at ang kaya nalang sabihin kapag tumatawag sa pamilya ay, “miss ko na kayo.”

9. Tuwing Umuulan at Kapiling Ka, Basil Valdez

                    Kasabay ng ulan, bumubuhos ang iyong ganda
                    Kasabay rin ng hanging kumakanta
                    Maaari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa?
                    Hanggang ang hangi't ula'y tumila na.

Ang lungkot na dulot ng pagiging malayo sa pamilya ay mas nararamdaman kapag umuulan. Habang nagtatrabaho ng malayo sa pamilya, nakakasabik na makitang muli ang mga mahal sa buhay. Bumirit sa kanta na ito ni Basil Valdez at isipin na balang araw, makakapiling mo rin ang iyong pamilya.

Panigurado, pagbalik mo sa iyong pamilya, aapaw ang kaligayahan hatid ng muling pagsasamasama.

10. Rainbow, South Boarder

                    Take a little time baby
                    See the butterflies' colors
                    Listen to the birds that were sent
                    To sing for me and you
                    Can you feel me
                    This is such a wonderful place to be

                   Even if there is pain now
                   Everything will be alright
                   For as long as the world still turns
                  There will be night and day
                  Can you hear me
                  There's a rainbow always after the rain

Pagkatapos ng ulan ay syempre may bahaghari! Kahit gaano pa kahirap ang kailangan na tiisin, alalahanin na balang araw, magbubunga rin ang iyong pagsusumikap.

Bonus: Babalik Ka Rin, Gary V

Ang ultimate kanta ng mga OFW: Babalik Ka Rin, awit ni Gary V.

                 Saan ka man naroroon ngayon
                 Saudi, Japan, o Hong Kong
                 Babalik ka rin, babalik ka rin
                 Babalik ka rin

Kahit gaano ka pa kalayo sa Pilipinas o gaano katagal nawala, kahit naka ilang renew ka ng kontrata sa iyong employer, alam mo na babalik at babalik ka rin.

Ikaw ba ay OFW o nagbabalak na mag-abroad para magtrabaho? Basahin ang aming gabay kung paano mag-apply ng trabaho sa ibang bansa. Maaari din tignan ang iba pang mga gabay para sa OFW.