Simula June 1, nilagay na ang mga sumusunod na lugar sa General Community Quarantine (GCQ):

  • Metro Manila
  • Cagayan Valley
  • Central Luzon
  • Calabarzon
  • Pangasinan
  • Albay
  • Davao

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) o ang tinatawag na pinakamababang antas ng community quarantine. Ngunit kahit mas niluwagan na ng pamahalaan ang mga panuntuan, meron pa ring mga limitasyon na dapat tandaan.

  • Public Health Standards: Sa GCQ at MGCQ areas, dapat pa ring sundin ang minimum health standards sa lahat ng oras.
  • Paglabas ng bahay:
    • GCQ: Limitado sa pagbili lamang ng essential goods and services at pagpasok sa trabaho para sa mga industriya na maaari nang magbukas. Ang mga senior citizen, kabataang edad 21 taong gulang pababa, may mga pre-existing conditions o sakit, at mga buntis ay hindi pa rin pinapayagan lumabas
    • MGCQ: Lahat ng tao, bata man o matanda, ay maaari nang lumabas ng bahay.
  • Government Offices:
    • GCQ: Maaring mag-operate in full capacity o gumamit pa rin ng alternative work arrangement alinsunod sa rules and regulations ng Civil Service Commission (CSC).
    • MGQC: Maaari na ring pumasok sa opisina ang lahat ng mga kawani samantalang alternative work arrangement naman sa mga may edad 60 taong gulang pataas, may pre-existing conditions o sakit, at mga buntis.

Dahil may limitasyon pa rin ang paggalaw sa GCQ areas, narito ang guidelines para sa mga nangangailangan ng pre-employment services sa POEA offices. Kung nais niyong mabasa ang kabuuan nito, maarin niyo itong ma-access dito: Guidelines for Pre-Employment Services at the POEA for Areas in the Country under General Community Quarantine (GCQ).

  1. Office Operations
    Magbabalik sa regular na operasyon ang mga opisina kasama ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards and precautions tulad ng pagsusuot ng face masks, pagsunod sa social distancing measures o iba pang community quarantine measures na pinapatupad ng bawat local government unit (LGU).
     
  2. Schedule
    Dahil maaari pa ring magpatupad ng compressed work week at alternative work arrangement ang mga ahensya, pinapayuhan ang mga bisita o kliyente na alamin ng mas maaga o bago pumunta ang schedule ng mga opisina.
     
  3. Mga Precautionary Measure
    Ang mga sumusunod ay ang health and safety measures na pinapatupad sa mga opisina. Sa oras na tumanggi ang mga bisita o kliyente na sumunod dito ay maaaring hindi sila papasukin:
    • Pagsusuot ng face mask o face shield
    • Pagsunod sa itinalagang entry o exit
    • Pagdaan sa sanitizing foot bath
    • Pagdaan sa temperature check
    • Paggamit ng hand sanitizers o hand washing area
    • Pagdaan sa security check
    • Paghihintay sa itinalagang waiting area/sitting area
    • Paggamit ng drop box
    • Pagpapakita ng ID na may edad ng bisita o kliyente
    • Paggamit at pagsunod sa appointment system
    • Paggamit at pagsunod sa queueing system
    • Pagsunod sa "one client out-one client in policy"
       
  4. Mga hindi maaaring pumasok sa opisina
    Ang mga sumusunod ay hindi pinahihintulutang makapasok sa POEA offices:
    • Mga taong may edad 21 taong gulang baba
    • Mga taong may edad 60 taong gulang pataas
    • Mga buntis
    • Mga taong may sintomas ng sakit (ubo, sipon, lagnat)
    • Mga taong nakainom o nasa ilalim ng impluwensya ng alak

Sa panahon na may banta pa rin ng COVID-19, mahalagang sundin ang mga pag-iingat na ito para sa kalusugan at kaligtasan natin at ng mga tao sa paligid natin.