Patuloy ang hindi magandang epekto ng COVID-19 crisis sa mga kakababayan natin nagtatrabaho sa ibang bansa. Dumadami ang mga overseas Filipinos na tinatamaan ng sakit na ito. Ang ilan ay patuloy na nakikipaglaban bilang frontliners at meron ding hindi pa nakakabalik sa kanilang trabaho o patuloy nang na-repatriate. Ilan ito sa mga kasalukuyang dinaranas ng OFWs ngunit bukod pa rito, mahalagang isaalang-alang ang mga posibleng epekto ng COVID-19 crisis sa mismong overseas employment. Narito ang ilan sa mga ito:

  1. New normal sa workplace
    Inaasahan ang malaking pagbabago sa paraan ng pagtatrabaho sa ibang bansa tulad ng guidelines na ipapatupad sa local setting. Isa na rito ang social distancing sa opisina o sa kahit na anong lugar pati na rin ang pagbabawal o paghihigpit sa mga okasyon kung saan may mga pagtitipun-tipon. Maaaring gawing ‘new normal’ muna ang work from home o flexible work arrangement para sa ibang kumpanya depende sa uri ng trabaho.
     
  2. Pagbibigay-atensyon sa kalusugan
    Mahalaga ang pagtatrabaho para kumita ngunit kasabay nito ang mas higit na pagpapahalaga sa well-being ng mga tao mula sa pisikal, mental, at emosyonal na aspeto. Dahil sa krisis na ito, mas paiigtingin ang pagpapahalaga sa health status ng mga employee at employer. Kasama rito ang pagsisiguro na ‘fit to work’ ang mga kababayan natin na mag-a-abroad o kaya naman ay may patunay o clearance para pahintulutan magtrabaho kung sila man ay tinamaan ng sakit. Isa rin ang stress at anxiety sa mga hindi maiwasang maramdaman ng mga kababayan natin sa ibang bansa. Kung ikaw ay nakakaranas nito sa ngayon, narito ang ilang tips para mas makayanan mo ito.
     
  3. Panibagong in-demand na trabaho at bansa
    Maaaring may pagbabago sa mga industriya na magbubukas ng mga trabaho kasama na rito ang bansa kung nasaan sila. Mas magiging in-demand ang mga trabaho sa medical field hangga’t hindi pa bumababa ang mga nagkakasakit sa COVID-19 at hindi pa nagagawa ang vaccine para dito. Posible rin tumaas ang demand sa information and communications technology (ICT) field dahil sa pagtaas ng paggamit ng technology sa mga panahong ito. Hindi nangangahulugan na mawawalan ng oportunidad sa ibang field ngunit mahalaga ang paghahanda sa oras na mabawasan ang mga trabaho pwedeng pasukan dito.
     
  4. Temporary o indefinite unemployment
    Isa ito sa mga kasalukuyang epekto na ating nakikita at maaaring pa itong magpatuloy sa gitna ng krisis na ito. Marami sa mga kababayan nating OFW ang hindi muna nakabalik sa mga bansang pinatatrabahunan dahil sa mga travel ban na pinapatupad. Ang ilang naman tulad ng mga seafarer ay pinauwi na sa bansa at tuluyang nakansela na ang ilang biyahe sa barko o cruise.
     
  5. Pagbaba ng overseas employment opportunities
    Malaki ang posibilidad na magkaroon ng decline o pagbaba sa mga trabaho abroad sa hinaharap hangga’t hindi pa bumabalik sa normal ang takbo ng ekonomiya ng iba’t ibang bansa. Hindi rin makakapag-apply agad dahil na rin sa quarantines o lockdown na pinapatupad. Sa mga panahong ito, maaari naman mag-save jobs muna ang mga aplikante.