Malaking tulong ang oportunidad makapagtrabaho sa abroad ngunit mahalagang tandaan na marami ring hindi inaasahang pangyayari na maaaring makahadlang sa iyong tuluy-tuloy o stable na source of income. Kaya mahalaga na sa bawat sinusweldo mo, nagtatabi ka ng pera bilang emergency fund. Ang emergency fund ay pera na maaaring gamitin in case na may mga urgent o hindi inaasahang gastusin na hindi kaya mabayaran agad. Makakatulong din ito sa oras na matigil ang iyong pagtatrabaho dahil sa problema kalusugan o dahil sa mga krisis tulad ng COVID-19 na malaki ang epekto sa pagtatrabaho ng mga OFWs. Nirerekomenda na ang halaga ng emergency fund na iyong maiipon ay dapat katumbas ng iyong total living expenses sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Narito pa ang ilan sa mga dahilan kung bakit dapat may emergency fund ka na ngayon pa lang o kung bakit dapat simulan mo na ang pag-iipon para dito.
-
Para mabawasan ang ilang mahahalagang bayarin
Kung ang pamilya mo ay may loans o bills na kinakailangan bayaran buwan-buwan, mas maiiwasang mabaon sa utang lalo na sa oras na hindi sasapat ang budget mo.
-
Isa lang ang source of income ng buong pamilya
Kung ikaw ang breadwinner at natatanging kumikita, mahalagang magtabi ng pondo in case na may mangyari sa iyong trabaho o malimitihan ang iyong sinasahod.
-
Para sa oras na may family emergency
Kung may family emergency at kinakailangan kang magbiyahe pauwi, may magagamit kang savings pambili ng iyong ticket pauwi at pabalik.
-
Para sa mga hindi inaasahan medical problems sa pamilya
Sa oras na may magkasakit sa pamilya, mas madaling mabayaran o mabili ang mga gamot o hospital expenses.
-
Para sa future goals mo
Ang emergency fund ay makakatulong rin sa mga plano mo in the future tulad ng pagtatayo ng business, o pagbili ng lupa o bahay.