10 Signs You Need To Leave Your Job Abroad

10 Signs You Need To Leave Your Job Abroad


Date Posted: November 29, 2019

Isipin mo—oras na ba para umalis? 
 
Matagal mo nang pinapangarap maging Overseas Filipino Worker (OFW). Maraming pangako ang dala ng buhay sa ibang bansa. Ang tawag nga ng ilan sa mga trabaho sa ibang bansa ay "greener pastures." Pero, hindi lahat ng trabaho sa ibang bansa ay ang ideal job para sa iyo. Minsan, kailangan mo ring iwan ito.  
 
Matapos mong paghirapan ang pag-aapply sa trabaho sa ibang bansa, kailan mo nga ba masasabing dapat mo na itong bitawan? Kung napag-iisipan mo nang iwanan ang trabaho mo, ito ang ilan sa mga senyales na tama ang magiging desisyon mo.
 
  1. Nagiging sakitin ka na
    Marami mang perks ang pagtatrabaho sa ibang bansa, marami rin itong cons. Isa na sa mga cons na ito ay ang pangangailangan mong sumabak sa bagong kapaligiran. Kadalasan, pwedeng maging sanhi ng sakit ang pagtira mo ibang lugar, lalo na kung ito ay may ibang klima at atmospera sa nakasanayan mo.
     
  2. Hindi na malusog ang mental health mo
    Hindi lang katawan ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Maayos pa ba ang mental health mo? Kumusta ang estado ng puso mo? Isa sa pinakamalaking hamong dala ng pagiging OFW ay ang pagkawala ng support system. Dahil nasa ibang lugar ka, malayo ka sa mga mahal mo sa buhay na pwede kang suportahan. Minsan, hindi mo talaga maiiwasan ang homesickness. Ngunit kung napapansin mong hindi mo na magampanan ang mga tungkulin mo dahil sa mga nasa isip mo, baka oras na ngang umalis ka.
     
  3. Hindi na tugma sa prinsipyo mo ang ginagawa sa iyo
    Hindi malayong makaranas ka ng culture shock kapag natrabaho ka sa ibang bansa. Malamang, magkakaroon kayo ng employer mo ng ilang pagkakaiba sa kultura. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay kailangan mo nang pumayag sa lahat ng gagawin sa iyo. Malaking red flag kung hindi na nakasangayon sa mga prinispyo mo ang ginagawa o pinagagawa sa iyo sa trabaho.
     
  4. May nagaganap na pang-aabuso
    Maraming klaseng pang-aabuso, at marami ring antas nito. Kahit saang dako ng mundo, merong mga opisinang may kultura ng hazing o pambu-bully ng mga bagong salta. Sa kasamaang palad, madalas mangyari ito sa mga OFW. Bakit? Kasi mas vulnerable ang mga empleyado kapag nasa lugar silang malayo sa kanilang tahanan. Siguraduhin mong lagi kang ligtas, mula sa pag-aapply ng trabaho hanggang sa pagtatrabaho mo na mismo.
     
  5. May seryosong panlolokong nagaganap
    Kung tingin mo ay naloloko ka na ng isang ahensya, magdalawang isip ka na sa napasukan mong trabaho. Dapat magtiwala ka lang sa mga opisyal at rehistradong ahensya. Pwede kang mag-rehistro sa WorkAbroad.ph, kung saan merong libo-libong mga ahensyang certified ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA).  Dahil naka-rehistro sila sa POEA, makasisigurado kang mapagkatitiwalaan ang mga ahensyang ito.
     
  6. Wala kang boses sa trabaho mo
    Hindi ka pinakikinggan sa trabaho. Hindi ka tinatrato na  parang empleyado. Kapag may seryoso kang pangangailangan, hindi ka napapansin kahit na paulit-ulit kang magsalita. Kahit ano pa ang trabaho mo, importanteng napakikinggan ka ng employer mo. Isa itong paraan para maipakitang nirerespeto ka bilang empleyado. Syempre, siguraduhin mong nasa tama pa rin ang mga hinanaing mo.
     
  7. Walang oportunidad para sa career growth
    Maraming paraan para umunlad ang isang tao sa kanyang propesyon. Hindi lang ito nakasangayon sa paglaki ng kanyang sweldo, o sa pagtaas ng kanyang posisyon. Basta't nakikita mong natututo ka—may mga panibagong hamon at panibagong oportunidad—pwede mo nang masabing may career growth ka. At ang tao, dinesenyo para laging maghanap ng kaunlaran. Kung ramdam mong wala ka nang patutunguhan sa trabaho mo, baka oras na ngang magsimula kang maghanap ng panibagong opportunities.
     
  8. Hindi na worth it ang sahod mo
    "Money isn't everything," ika nga nila. Pero, hindi natin pwedeng itangging importante rin ito. Nagsisilbi itong motivation na magtrabaho ang empleyado ng mas maigi. Mahirap ding manatili sa isang trabaho kung alam mong hindi ka nababayaran ng sapat. Pero rito, importanteng sensitibo ka sa kung ano ang saklaw ng trabaho mo. Hindi rin naman magandang manghingi ka ng hindi makatarungang halaga. I-assess mo ng maigi kung ano nga ba ang mga kasanayan at karanasang taglay mo, at kung ano ba ang normal na salary grade sa trabahong tulad ng sa iyo.
     
  9. Gusto mo na ng bagong career
    May nakikita ka nang bagong career path na gusto mong tahanin, at sigurado ka nang mas uunlad ka doon. Wala nang punto sa pananatili mo sa isang trabahong hindi na para sa iyo. Syempre, kailangan mong maging praktikal dito. Tiyakin mong may tama ka nang ipon bago mo iwanan ang trabaho kinaroroonan mo.
     
  10. Wala ka nang buhay sa labas ng trabaho
    Mahalagang mapanatili mo ang iyong work life balance, lalo na at nasa abroad ka. Mas kailangan mo ng maayos na buhay sa labas ng opisina. May sarili ka na bang support group na pwede mong takbuhan? May mga kaibigan ka na bang pwede mong ayain lumabas kung nahihirapan ka na? O masyado ka nang tutok sa trabaho mo dahil ayaw ka ng employer mong lumabas ng opisina? Kahit sinong maayos na employer ay magbibigay ng halaga sa work life balance ng empleyado niya. 
     
    Maging matalino sa pagsusuri kung nasa tamang trabaho ka pa ba. Huwag mong iwan nang basta-basta ang trabahong kinaroroonan mo. Mag-ipon ka muna ng malaki-laking savings para hindi mo kailangang mangutang kung sakaling hindi ka makalipat kaagad ng trabaho. At tiyakin mo ring maayos ang pagpapaalam mo sa trabaho mo. 
     
    Para makatulong sa susunod na paghahanap mo ng trabaho sa ibang bansa, magtungo sa WorkAbroad.ph. Ito ang pinakamalaking overseas job board sa Pilipinas na magtitiyak na ligtas kang makakahanap ng maayos na trabahong para sa iyo.


Loading comments ...
Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here



Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here

Related Categories

Search for Jobs Abroad