Work Abroad - Overseas Jobs for the Filipinos
HOME | DISCLAIMER | TERMS OF USE | HELP
Failed man sa unang pagkakaton, successful naman ang mga sumunod na pangyayari!!!
Good Day, sir/mam, Una sa lahat nagpapasalamat ako sa mahal na panginoon at aking future partner in life at website na ito at sa mga taong nasa likod nito. Pangalawa gusto ko talaga mag abroad noon pa sa kadahilanan mahirap lang kami at gusto ko makatulong rin sa aking pamilya at ngayon pa ay may anak na ako. Kailangan kong maghanap nang pasahod na kaya kong maibigay sa pangangailangan nang aking anak. Bago pa man dumating ang panahon na ako ay binigyan nang maykapal na makapag-abroad. Iniisip ko muna kong ano ang kahahantungan ko maging ok ba ako o hindi, Pero naisipan ko talaga na tama lang na pasukin ko ang pag abroad dahil konti lang talaga ang kinikita sa pinas. Akoy estudyante pa lamang noon at parati kong pinagdarasal na sana man lang ako ay makapag-abroad din katulad nang iba na may baha,y may magandang gamit at makakain din nang masarap na pagkain. Sa nakita ko talaga sa sitwasyon namin hirap talaga pag hindi ako gagalaw at mag-apply nalang sa abroad. Kasi po nakikita ko parati ang parents ko na pagod na pagod na sa trabaho, ei ganun padin ang kinikita at nakapagbuntis pa ako. Nag apply ako online sa tulong nang relatives ko, then binigyan ako nang idea na makapag gawa nang resume dito sa site na ito. Sa hindi inaasahang panahon at oras may agency tumawag sa akin at biglaan yun. nasa paaralan pa ako nuong araw na yun, pinilit ko na di pumasok nalang kasi porsigido na talaga ako sa desisyon ko makapag abroad. Online interview pa yun panandalian gamit ang skype na application pero pumalpak ako sa pinasukan ko na internet cafe kasi offline daw. nakapag umpisa na sana ako nang first interview, pero di ako nawalan nang pag asa, sa pangalawang cafe ko napuntahan naging swerte naman kasi magandang ang pwestu at hindi maingay at makakausap mo pa ng maayos ang nag-iinterview, tagal ko din nag hintay na tumawag ulit. pero ayun. natanggap ako sa first interview hanggang sa huling interview sa akin. Naging maayos naman ang napasukan kong trabaho sa tulong din nang partner ko na siya lang nagpapalakas nang loob ko noong time na iyon. Pagkuha ko na nang requirements hindi na ako pumunta sa manila kasi malaki ang gastos noon kung sakali. doon na ako kumuha sa malapit sa amin. kaya maging matiyaga at lakasan ang loob sa lahat nang bagay at wag lang mawalan nang pag asa, at kung may gusto ka man sa buhay ipaubaya mo sa taas parati, thank you and god bless!!!!

Joe Mark Orpiano Layo
waiter