“Ang trabaho abroad, hindi forever.“ 


Palaging sinasabi ito sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), at kung ikaw ay isa sa mga ito, alam mo ang hirap at sakripisyo ng isang taong kumakayod habang malayo sa pamilya. Kaya naman ang perang kinikita mo ay dapat ingatan at palaguin, para mayroon kang pondo pagdating ng panahon, o kaya kapag ikaw ay umuwi na for good. Habang maaga, pag-isipan kung anu-ano mga best investments ngayong 2022.


Bakit ito mahalaga? Ayon sa COVID-19 Job Report ng Jobstreet, noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, 60% ng mga nagtatrabaho ang naapektuhan, at 17% ang tuluyang nawalan ng trabaho. Patunay ito na walang kasiguruhan kahit maganda ang trabaho at malaki ang kinikita mo ngayon, and that’s why we need to invest money. Ang payo ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa mga OFW, itabi ang 10% ng iyong kita, at ipunin o ilagay sa negosyo ang 10% ng inyong remittance sa pamilya sa Pilipinas.


Tignan ang ilang best investments na maaari mo nang paghandaan ngayon o simulan agad kung mayroon ka nang konting naipon. Huwag kalimutang isali ang pamilya sa iyong mga plano dahil sila ang magiging katuwang mo sa pagpapalago ng iyong pinaghirapan, at kasama mo rin silang makikinabang sa tagumpay ng iyong mga investments.

Best Investments 2022

1. Magtayo ng sariling negosyo. 

OFW man o hindi, pangarap ng maraming Pilipino ang magkaroon ng sariling negosyo. Kapag ikaw ang may-ari ng isang negosyo, sarili mo ang oras mo, wala kang boss, at magagawa mo ang gusto mo pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. 


Marami pang ibang bagay na dapat gawing konsiderasyon kapag magtatayo ng negosyo. Una na rito ay kung sapat ang iyong pondo at oras na mailalaan mo para rito. Kung hindi ikaw mismo ang magpapatakbo, mayroon ka bang mapagkakatiwalaang kapamilya o malapit na kaibigan para gumawa nito para sa iyo? Sa pag-iisip naman kung anong negosyo ang itatayo mo, kailangang pag-aralan ang target market mo para malaman kung ano ang mga pangangailangan nila. 


Maraming iba’t ibang business ideas, kabilang na dito ang:

  • online selling

  • home service business

  • food business, at iba pa


Piliin kung saan mo gustong mag-focus, siguraduhing kakaiba ang iyong iaalok na produkto o serbisyo, at alamin ang mga kailangan mong bilhin at gawin para simulan ito. 


Maganda rin na may maibigay na convenience sa customer, katulad ng delivery, online payment, at iba pa. Pag-aralan rin ang financial aspect, para siguradong may return on investment o kita na aanihin sa huli. Huwag matakot magsimula sa small business, dahil lahat ng malalaking negosyo ay nagsisimula sa maliit na start-up.

2. Bumili ng franchise  

Ayon sa Philippine Franchise Association, ang franchising ay ang paggamit ng isang business concept na subok na. Ibig sabihin nito, kapag bumili ka ng franchise ng isang brand o produkto, binabayaran mo ang karapatang magamit ang pangalan, logo, at trademark na pagmamay-ari ng isang franchisor. Ang pagbili ng franchise ay isa sa mga best investments na puwede mong gawin ngayong 2022.


Ilang halimbawa ng mga franchise businesses na ito ay ang mga sumusunod:

  • food carts

  • spa at salon

  • water refilling stations


Kapag nag-franchise ka ng mga ito, may brand name ka na at kilala na ng mga tao ang iyong produkto. Meron na ring umiiral na marketing at promotions campaign para sa brand, kaya kasama ka na rin dito. Pinag-aralan at subok na ang produkto, at maaari mo nang malaman ang pontensyal na kita mo rito.


Bago mag-franchise, kilalanin muna ito at alamin ang background. Alamin kung sino ang mga kalaban mo sa merkado, at bigyan ng oras ang pag-review dito. Basahing mabuti ang franchise agreement dahil pinaghirapan mong pera ang ilalagay mo sa franchise business na ito.

3 Mag-invest sa real estate. 

Isa sa mga best investments na inaalok sa mga OFWs ang real estate. Dahil maliit ang downpayment sa mga pre-sellingcondominium units at abot-kaya ang monthly installment, karaniwan itong pinaglalaanan ng mga OFWs. Kapag pinaupahan ang condominium unit, ang bayad sa upa ay maaaring katumbas na o higit pa sa halaga ng monthly amortization at condominium dues. 


Kung mayroon kang lupang hindi ginagamit sa probinsya, maaari ka ritong magsimula ng real estate investment. Ipa-lease mo ang lupa sa mga nangangailangan ng espasyo tulad ng mga commercial establishments o kaya mga manufacturing plants. 


Kung may bahay ka na hindi tinitirhan o may kaunting puhunan para magpatayo ng apartments, puwede mo itong ipaarkila bilang isang residential space. Maaari rin itong ipalista sa mga vacation rental websites tulad ng Air BnB para mapaupahan nang arawan, lingguhan, o buwanan. 


Sa halip na hindi nagagamit, ang mga real estate properties mo ay maaari mong pagkakitaan para may maitabi ka para sa kinabukasan.

4. Kumuha ng insurance with investment

Karaniwang tinitignan ang insurance bilang isang investment tool na maaari lang pakinabangan kapag ikaw ay nagkasakit o nawala na. Pero may klase ng insurance na may kasamang investment, kung saan nakukuha rin ang medical at death benefits na ito, pero may bahagi ng iyong insurance premium na nilalagay sa iba’t ibang investments. Mayroong mga fund managers na gagawa nito para sa iyo, kaya’t hindi mo na kailangan pang bantayan ang iyong investment. Ang investment na ito at ang kikitain mo rito ay makakatulong sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay para mapondohan ang mga pangarap ninyo.


Siguraduhin na ang inyong kausap na insurance agent ay galing sa isang kilalang kumpanya. Kumausap ng kaibigan o kapamilya na nakakuha na ng insurance plan with investment sa kumpanyang ito, para siguradong lehitimo ang produkto na iyong paglalagyan ng pinaghirapan mong kita. 


Ang proteksyon ng insurance at ang kita sa investment component nito ay isa sa best investments na puwede mong gawin ngayong 2022.

5. Sumabak sa stock market

Ang stocks ay shares of ownership ng isang kumpanya na nakalista sa Philippine Stock Exchange. Kapag bumili ka ng stocks ng isang kumpanya, ikaw ay isang part-owner o shareholder ng kumpanyang yun. Ang kita ng kumpanya ay dini-distribute sa mga shareholders.


Maraming natatakot maglagay ng pera sa stock market dahil ayaw nilang malugi at mawalan ng pera. Tandaan na lahat ng investment, kahit ang negosyo, ay may kaakibat na risk. Maaari kang kumita, at maaari ka ring malugi. 


Kaya naman, pinag-aaralan muna ng mga financial advisor sa stock market ang risk profile ng investor. Dito, malalaman mo kung konserbatibo, moderate, o mataas ang risk na kaya mong i-undertake pag dating sa investment. Depende rin ito sa pondo na kaya mong ilaan para rito. 


Maghanap ng stockbroker na maaaring mag-trade para sa iyo, o bumili at magbenta ng iyong shares. Mayroon ding mga online stock brokerage firms na authorized mag-trade ng stocks sa Pilipinas. Pwede ka rin lumapit sa mga kilalang bangko na nag-aalok ng investment opportunities.


Pangarap ng bawat OFW na mag-retire sa Pilipinas. Kaakibat ng pangarap na ito ay ang responsibilidad na makapag-ipon at mapalago ang perang kinikita mo ngayon sa pamamagitan ng best investments ng 2022, para may sasandalan ka pagdating ng panahon. 


Mag-focus sa mga gustong makamit para lagi mong maalala why we need to invest money. Kahit malayo pa ang pag-uwi mo, ngayon ang tamang panahon para matutong mag-invest


Nais mo bang magtrabaho sa ibang bansa? Gumawa ng sariling profile sa WorkAbroad at pumili mula sa libo-libong trabahong naghihintay sa iyo. Basahin ang mga dapat malaman tungkol sa pagiging OFW.