Isa ang mga OFWs sa mga apektado ng kasalukuyang pandemic crisis, mula sa mga nagpositibo sa COVID-19, nawalan ng trabaho habang nasa ibang bansa hanggang sa tuluyang repatriation. As of March 26, 203 OFWs cases ang positibo sa COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Galing ito sa mga bansa sa Asia-Pacific (115), Europe (43), Middle East (23) at sa Amerika (22). Sa kabuuan, tatlo ang namatay, 93 ang nagpapagamot pa at 107 ang naka-recover na. Patuloy din ang repatriation or pagpapauwi sa bansa ng ibang OFWs at noong nakaraang linggo lamang, 253 ang dumating sa bansa mula sa Kuwait. Lahat ng OFWs na uuwi ng bansa ay sasailalim sa strict home quarantine at para sa mga hindi pa makakauwi dahil sa Luzon Enhanced Community Quarantine, may temporary shelter na binibigay sa kanila.

May financial assistance ring siniguro ang pamahalaan bilang tulong sa mga OFWs na apektado ng krisis, sila man ay nasa ibang bansa o nakauwi na sa Pilipinas. Kasalukuyan pang hinihintay mula sa DOLE ang buong detalye ukol dito pero ito ang ilan sa mga impormasyon na inilabas:

  1. Sino ang maaaring mag-avail ng cash assistance
    Lahat ng OFWs na apektado ang kabuhayan dahil sa COVID-19 crisis ay maaaring magapply para sa financial aid na ito.
     
  2. Halaga ng cash assistance
    Makakatanggap ng USD200 (Php10, 000) ang lahat ng OFWs. Ito ay one-time o isang beses lamang ibibigay.
     
  3. Proseso ng pagkuha
    1. Makipag-ugnayan sa OWWA o POLO
      Para sa mga OFWs na nasa ibang bansa, sila ay makikipag-usap sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng bansang kung saan sila nagtatrabaho. Para naman sa mga nasa Pilipinas, makikipag-ugnayan sila sa pinakamalapit sa OWWA Regional Office.
       
    2. Requirements
      Ayon sa DOLE, kailangan ang Certificate of Employment para maproseso ang cash assistance request. Para sa ibang requirements, abangan ang mga susunod na pahayag mula sa DOLE, OWWA at POLO.

Bukod pa sa cash assistance, nagbibigay din ng food, airport assistance, accommodation services, at temporary shelter ang OWWA para sa mga OFWs na kasalukuyang stranded sa NCR dahil sa enhanced community quarantine. Sa ibang bansa naman, namahagi ng food packs at hygiene kits sa Bahrain, food packs sa Israel at Macau, at hygiene kits sa Greece, Singapore, at Japan. Mayroon ding on-site assistance para i-monitor ang COVID-19 situations sa mga bansang ito, para mag-provide ng repatriation at airport assistance, at para makipag-ugnayan sa Filipino communities.