Patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang mga mga natatamaan ng COVID 19 sa buong mundo. As of March 11, naiulat na sa 103 OFWs ang natamaan. Ang ilan dito ay gumaling na at wala namang naiulat na namatay. Sa Japan, 80 kauubuang tinamaan at 32 dito ay naka-recover na. Anim sa US, 5 sa Hong Kong, 4 sa Qatar, 3 sa Singapore, 2 sa UAE, 2 sa Lebanon at 1 naman sa Switzerland. Narito ang mga Philippine Embassy Hotlines na maaaring tawagan sa mga bansang nabanggit.
 
Sa Pilipinas, nag-anunsyo ang Pangulong Rodrigo Duterte ng inihaing resolusyon ng inter-agency task force for the management of emerging infectious diseases upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19. Narito ang ilan sa mga ito:
 
  1. Travel Restrictions
    • NCR
      Pinagbabawal ang pagbiyahe gamit ang land, domestic air, and domestic sea sa NCR. Pahihintulutan lamang kung may ipapakitang proof of residence, or proof of employment/business. Sa international flights galing sa labas ng NCR, papayagan ito kung may ipapakitang proof of confirmed international travel itinerary na naka-schedule 12 hours bago ang pagbiyahe sa NCR.
       
    • Galing ng Italy at Iran
      Kailangan magpakita ng medical certificate within 48 hours na nagsasabing negatibo sa COVID-19. Exempted dito ang mga Filipino citizens at mga kamag-anak nito na may Permanent Resident Visas at holder ng Diplomat Visa galing sa Philippine Government.
       
    • Balik Manggagawa OFWs
      Papayagan ang pagbalik sa Mainland China maliban sa Hubei Province. Kinakailangang magsumite ng papeles na nagsasabing naiintindihan ng mga ba-biyahe ang panganib sa kasama sa kanilang pag-alis.
       
  2. General community quarantine
    Sa loob ng 30 days, ang pagpasok at paglabas sa iba’t ibang lugar tulad ng Metro Manila ay pahihintulutan kung ito ay para sa mahahalagang dahilan tulad ng work-related travels at kung ikaw ay isang health worker. Kasama dito ang pagkakaroon ng mga checkpoints at mga otoridad na mahigpit na mag-iinspeksyon.
     
  3. Social distancing measures
    Ang social distancing ay ang pagkakaroon ng one (1) meter radius distance sa pagitan ng mga tao. Pinagbabawal din sa pagpunta sa mga matataong lugar at mga events tulad ng movie screening, concerts, sporting events, at iba pang hindi work-related na pagtitipun-tipon.
  4. Class suspensions
    Ang klase sa Metro Manila ay suspendido mula March 10 hanggang April 14.
Ang ilang COVID-19 measures na ito ay maaaring magpapahiwatig or magkaroon ng epekto lalo na sa buhay ng mga Pilipino pati ng mga kapwa OFWs. Ang ilan sa mga ito ay:
  1. Posibleng pagkansela o pagpapaliban ng hindi mahahalagang travel plans sa Pilipinas at sa ibang bansa na may travel ban.
  2. Kung kinakailangan ang pag-biyahe, nangangailangan ang pagsunod sa mga patakarang pinapatupad ng mga otoridad.
  3. Pagiging handa sa mga maaaring panganib na dala ng pagbiyahe lalo na sa mga bansang may kaso ng COVID-19.
  4. Maaaring paggamit na lamang muna ng online o social media networks para makipag-communicate sa pamilya sa Pilipinas sa gitna ng krisis na ito.
  5. Dahil suspendido ang klase, maaaring mapanatag ng kaunti ang loob ng mga magulang na OFWs na mas mamo-monitor ang kanilang mga anak.
  6. Pagsunod din sa social distancing measures kung ikaw ay nasa ibang bansa man o kung kadarating mo lamang dito sa Pilipinas.
Sa panahon ng krisis na ito, mahalaga ang pag-iingat, pagkakaroon ng tamang impormasyon at pagsunod sa mga patakaran kahit mahirap dahil ito ay para sa ikakabuti rin naman ng nakararami.