Here’s how to do it!
Simula na naman ng taon! Meron ka na namang pagkakataong humarap sa fresh start—pwede mo nang bitawan ang mga pagkakamali mo noong nakaraang taon. At, pwede mo na ring harapin ang taong ito ng may lakas, tapang—at higit sa lahat, planadong New Year’s resolutions. 
Sabi ni Benjamin Franklin, “When you fail to plan, you plan to fail.” Sa madaling salita, kung hindi ka nagpaplano, maghanda ka nang magdusa. O kung ilalagay natin ito sa positibo—kung magpaplano ka, maiiwasan mo ang kapalpakan. 
Pero tandaan: May maayos na paraan ng pagpaplano. Hindi ito basta bastang ginagawa. Kung mali ang pagpaplano mo, hindi mo rin mapakikinabangan ang prosesong ito. (Kaya nga napakaraming taong gumagawa ng New Year’s resolutions… tapos tinatapon na lang ang mga ito matapos ang isang buwan, hindi ba?) 
Paano nga ba magplano ng New Year’s resolutions nang maayos? Basahin ang mga sumusunod para sa ilang tips and tricks.
  1. Pumili ng isang pag-fofocusan
    Nakasanayan na ng mga tao ang mag-lista ng napakaraming New Year’s resolutions sa simula ng taon. Parang ang ginagawa na lang ay matira matibay. Tila ang iniisip ng mga tao ay kapag mas maraming New Year’s resolutions, mas marami ang pwedeng maitupad. Ngunit, mali ito. 
    Kapag marami ang New Year’s resolutions mo, may tendency na ma-ooverwhelm ka sa rami na ito. Baka pilitin mong gawin lahat ng nasa listahan mo, at kapag may hindi ka magawa, i-aabandona mo na ang buong New Year’s resolutions mo. 
    Sa kabilang kamay, kung may isa ka lang na pinag-fofocusan na aspeto ng buhay mo, mas madali mo itong maisasakatuparan. Kapag natagumpayan mo na ang isang aspeto na ito, tsaka ka magdagdag ng isa pang New Year’s resolution.

    Ehemplo:
    1. Ngayong taon, magtatrabaho ako sa ibang bansa. Kikita ako ng mas malaking sweldo. Mag-iipon ako. Bibili ako ng kotse. Gusto ko ring pumayat.
    2. Ngayong taon, magtatrabaho sa ibang bansa.
       
  2. Mag-set ng SMART goals

    Magandang ang New Year’s resolutions mo ay S.M.A.R.T. o specific, measurable, achievable, relevant, at time-bound. Para gawing specific ang resolutions mo, dapat klaro ang mga sine-set mo. Kung gusto mo namang maging measurable ang resolutions mo, lagyan mo ng criteria ng pagme-measure ang goal mo. Ang achievable goal naman ay ang mga goals na alam mong kaya mong magawa—kaya ng resources at skills mo. Tulad din ito ang realistic goals, kung saan titimbangin mo rin ang kalagayan mo. Fnally, gawing time-bound ang goals—lagyan ito ng deadlines para hindi ka nagca-cram sa paggawa nito.
    Ehemplo:
    1. trabaho ako sa ibang bansa. Kikita ako ng mas malaking sweldo. Mag-iipon ako. Bibili ako ng kotse. Gusto ko ring pumayat.
    2. Ngayong taon, magtatrabaho sa ibang bansa.
    3. Bago mangalahati ang taon, mag-aapply ako bilang guro sa Canada.
       
  3. Gawing habits ang New Year’s resolution

    Imbes na mangarap ka lang ng New Year’s resolutions mo, aksyonan mo ang mga ito. Simulan mo ang pag-achieve nito sa pamamagitan ng daily habits. Magdagdag ka ng isang habit mo kada araw. Malamang, mahihirapan ka sa simula, pero ipagpatuloy mo lang hanggang sa mabuo ang habit na ito. Sabi ng mga eksperto, 21 araw ang pagbuo ng habit.
    Ehemplo:
    1. trabaho ako sa ibang bansa. Kikita ako ng mas malaking sweldo. Mag-iipon ako. Bibili ako ng kotse. Gusto ko ring pumayat.
    2. Ngayong taon, magtatrabaho sa ibang bansa.
    3. Bago mangalahati ang taon, mag-aapply ako bilang guro sa Canada.
    4. Ngayong buwan, magbabasa ako ng mga articles para paghandaan ang buhay OFW
Sa tatlong tips and tricks na ito, mas mataas ang mga tsansang maaachieve mo ang New Year’s resolutions mo!

Isa ka bang aspiring OFW? Alam mo bang may mas pinadaling paraan para abutin ang mga pangarap mo? Magtungo sa WorkAbroad.ph, ang nangungunang overseas job board sa Pilipinas. Ilang click lang dito at matutulungan ka nang makahanap ng trabaho sa ibang bansa!