8 Budget-Friendly Gifts for Your Co-Workers Abroad

8 Budget-Friendly Gifts for Your Co-Workers Abroad


Date Posted: December 19, 2019


Presyong Divisoria lang 'to!

 
Hindi naiiwan sa Pilipinas ang Christmas spirit. Nasa puso ito ng bawat Pinoy, kaya siguradong kahit ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay nasasabik sa papalapit na pasko. At tiyak na kung may exchange gifts sa pinagtatrabahuhan mo, kasaling kasali ka!

Salamat sa Christmas bonus at 13th month pay, marami rami kang biyaya sa panahong ito. Pero kahit na ganun, isipin mo pa ring mabuti ang bawa’t gastos mo. Alam mo naman, ang daling maubos ng pera, lalo na at marami kang reregaluhan. Kaya naman, sa darating na mga Christmas party, ilabas mo na lang pagiging malikhain mo! Ito na ang listahan ng ang ilan sa mga abot-kaya at kakaibang mga regalong pwede mong ibigay sa mga katrabaho mo abroad.
 
  1. Gift baskets
    Hindi mapagkakailang may kamahalan din ang gift baskets, pero kung ikaw ang gagawa ng mga ito, kontrolado mo ang gastusin. Ang maganda rito, pwedeng pwede mo pa siyang i-customize! Kung alam mong mahilig sa matamis ang pagbibigyan mo, punuin mo ng sweets ang gift basket. Kung tingin mo namang deserve ng pagbibigyan mong magpahinga, punuin mo ang gift basket ng mga pang home spa na gamit.

    Tip: Pwede mo ring lagyan ang gift basket ng certified Pinoy na items para naman matuwa ang pagbibigyan mo.
     
  2. Damit mula sa Pilipinas
    Kung mahilig sa fashion ang nabunot mo, pwede mo siyang bigyan ng damit na mula sa Pilipinas. Lalo siyang matutuwa kung may katangiang Pinoy ito, para kakaiba. Pwede mong bigyan ng malong o barong. Pero kung abot-kayang regalo ang hanap mo, sapat na rin ang souvenir shirts mula sa mga tourist spot sa Pilipinas!
     
  3. Banig
    Perkpektong regalo ang banig para sa katrabaho mong mahilig mag-aya ng picnic sa parke o day trip sa dagat. Pwede niyang gamitin ito para upuan o higaan. Higit sa lahat, Pinoy na Pinoy ito at eco-friendly pa ang banig!
     
  4. Food jars
    Kung may oras kang maghanda, gumawa ka ng food jars! Simple lang naman ang paggawa nito. Kailangan mo lang ng mga garapon at iba’t ibang pagkaing hindi mabilis masira. Tapos, punuin mo ang mga garapon ng mga pagkain.
     
  5. Kape
    Madalang na lang ang empleyadong tatanggi sa kape. Pasikat na ring regalo ito bilang alternatibo sa alak! May mga magarbo na ngang kape na nakabote ngayon, inilikha para sa pasko. Pero kung wala iyon sa budget mo, pwede ka namang bumili lang ng isang bag ng coffee beans para sa buong opisina!
     
  6. Customized items
    Kung gusto mong maramdaman ng pagbibigyan mo ng regalo na espesyal sila, mamigay ka ng customized items! Hindi na mahal ang ganitong regalo ngayon. Sa katunayan, malaki na ang maaabot ng ?100 mo! Pwede kang magpa-customize ng pitaka, notepad, baso, at kung anu-ano pa.
     
  7. Homemade bath products
    Gamit ang mga murang produkto, marami ka nang pwedeng gawing bath products. Pwede kang gumawa ng sabon, body scrub, lotion, at iba pa. Pwede ka ring gumawa ng kandila sa kahit anong amoy na gusto mo!
     
  8. Postcards
    Mahilig ka bang gumawa ng mga liham? Gawin mong mas espesyal ito at mamigay ka ng postcards ngayong pasko. Isa na siguro ito sa pinakamurang pwede mong iregalo. At kung mahilig kang kumuha ng litrato, pwedeng mga sarili mong kuha ang ipa-print mo bilang postcards. Sulatan mo na lang ang mga ito sa likod, o pwede mo ring ipaframe para magtagal ito sa katrabaho mo.
Tunay ngang nakakasabik ang pasko, at kahit nasa ibang bansa ka, pwedeng pwede mo itong ipagdiwang! Dalhin mo ang Pinoy-style Christmas spirit sa pinagtatrabahuhan mo. Iparamdam mo rin sa mga katrabaho mo ang sarap ng paskong Pinoy.  
Magtungo sa WorkAbroad.ph para sa iba pang tips and guides na makakatulong sa iyong pagta-trabaho abroad!


Loading comments ...
Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here



Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here

Related Categories

Search for Jobs Abroad