Ano ang mga dapat mong paghandaan?

Matapos ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo mo nang malayo ka sa pamilya, sa wakas at dumating na ang panahon para bumalik ka sa Pilipinas! Malamang, sabik na sabik ka na at matagal mo na itong hinihintay. Pero bago ang lahat, huwag mong kalilimutan ang ilang reminders na ito para sa mga balikbayan ngayong pasko.

Ano ang mga kailangan mong dalhin?
  1. Pera
     Iwasan mong magdala ng labis na pera para hindi ka matuksong ubusin ang lahat ng ito. Hangga’t sa maaari, mag-iwan ka ng pera sa savings mo.
     
  2. Damit
    Magdala ka ng sapat na susuotin sa bawat araw na nasa Pilipinas ka. Kung kaya mo namang maglaba habang andoon ka, limitahan mo ang mga i-empake mong damit nang mas maraming space ang bagahe mo para sa pasalubong.
     
  3. Pasalubong
    Malamang at hahanapan ka nito, lalo na’t pasko. Kapag bibili ka ng pasalubong, alalahanin mo ang budget mo.
     
  4. Travel Documents
    Mainam na may digital documents ka nang mga ito para madali mong ma-access. Kuhanan mo ng litrato ang mga ito gamit ang cellphone mo. Mas maganda ring may photocopies ka ng bawat dokumento kung sakaling may mawala o masira sa kanila.
    1. Flight ticket at immigrant visa. Kasali na rito ang return ticket mo sa pinagta-trabahuan mong bansa, dahil baka hanapin ito sa iyo ng immigration officer.
    2. Passport. Valid up to six months.
    3. Work permit at company ID. Maaaring hanapin din ito sa iyo ng immigration officer.
    4. Employment certificate. Pwede rin ang kontrata niyo ng employer mo.
    5. OFW e-Card. Kung wala ka pa nito, maaari kang mag-apply rito
Iba pang paalala para sa mga balikbayan
  1. Kumuha ng OEC
    Bago ka umalis, kumuha ka na kaagad ng Overseas Employment Certificate (OEC) dito. Required ang lahat ng OFW na kumuha nito dahil magsisilbi itong exit clearance. Tandaan mo ring kapag may OEC ka ay hindi mo kailangan magbayad ng travel tax at terminal fee.
     
  2. Siguraduhin mo na kaagad kung saan ka titira
    May sariling bahay ka ba sa Pilipinas? May mga kamaganak ka bang kukupkop sa iyo? Sino ang susundo sa iyo pag-uwi? Ayusin mo na ang lahat ng ito para hindi ka masyadong ma-stress pagdating ng Pilipinas.
     
  3. Alamin ang mga bawal i-empake
    Suriin ang listahan ng prohibited items bago ka bumili ng mga pasalubong. Tandaang hindi papayagan ng airport security ang mga armas, paputok, at iba pa.
     
  4. Maghanda ng mga gagawin
    Isipin mo na ang mga gusto mong gawin sa Pilipinas para ma-maximize mo ng lubusan ang pagbisita mo. Ilista mo na rin ang mga taong gusto mong kitain nang makapagschedule ka na bago makauwi.
     
  5. Mag-enjoy
    Higit sa lahat, mag-enjoy ka! Minsan ka lang makauwi sa Pilipinas, kaya namnamin mo ang bawat oras.
     
Isa ka bang aspiring OFW? Alam mo bang may mas pinadaling paraan para abutin ang mga pangarap mo? Magtungo sa WorkAbroad.ph, ang nangungunang overseas job board sa Pilipinas. Ilang click lang dito at matutulungan ka nang makahanap ng trabaho sa ibang bansa!