Paskong Pinoy: 10 Things That Remind OFWs of Home

Paskong Pinoy: 10 Things That Remind OFWs of Home


Date Posted: December 06, 2019


Wala talagang tatalo sa pasko ng Pinas.
 
Saan ka man pumunta, wala pa ring tatalo sa Paskong Pinoy. Hindi mo maikukumpera ang kaligayahang ibinibigay ng panahong ito sa mga Pilipino. Sa katunayan, tuwing palapit ang pasko, tila gumagaan ang kapaligiran sa Pilipinas. Kaya naman, para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), talagang nakakamiss ang Pilipinas tuwing sasapit ang pasko. At kahit malayo ang mga OFW sa inang bayan, madali nilang maaalala ang Pilipinas sa pamagitan ng mga ito... 
 
  1. ‘Ber’ months
    Sa Pilipinas, tila may dalang kahiwagaan ang „Ber? months. Mararamdaman mong pumepresko ang paligid at sumasariwa ang kapaligiran. Nagsisimula nang magpatugtog ng pampaskong kanta ang mga mall. Bilang isang OFW, hinding hindi mo makakaligtaan ang pasko dahil pagkasapit pa lang ng Setyembre, maaalala mo na kaagad ang paskong Pinoy.
     
  2. Christmas carols
    Namamasko po! Bilang bansang may malaking pagpapahalaga sa musika, ang Christmas carols ay tunay na paalala ng paskong Pinoy. Halos bawat Pilipino ay nakaranas mangaroling noong kanilang kabataan. May dala dalang tambourine at lata, mangangatok ang mga bata sa bawat bahay para mamasko. 
     
  3. Christmas lights
    Maraming bansa ang gumugunita ng pasko sa pamamagitan ng pagsasabit ng Christmas lights. Dito, maaalala ng mga OFW ang mga maliliwanag at makukulay na parol sa Pilipinas. Kilalang kilala ang paskong Pinoy sa mga parol, bilang ang paggawa nito ay may daladalang ilang tradisyon. Gawa sa mga kawayan at papel, ang parol ay tunay na produktong Pilipino.
     
  4. Noche Buena
    Ano ang Pilipino kung walang pagkain? Sa Pilipinas, ang handaan na siguro ang isa sa pinakamahalagang parte ng pagdiriwang. Kaya naman tuwing pasko, hindi mawawala ang tradisyon ng Noche Buena. Kahit gipit sa pera, sisiguraduhin ng mga Pilipinong may keso at hamon sa hapagkainan pagkasapit ng pasko.
     
  5. Christmas parties
    Basta?t may rason magpista, magpipista ang mga Pilipino. Kaya naman, kapag lumalapit na ang pasko, napupuno na ang mga iskedyul ng bawa?t Pilipino. Alam mong andyan na ang Pinoy-style Christmas party kapag nakahanda na ang bidyoke, potluck, at exchange gifts.
     
  6. Simbang Gabi
    Natatangi ang mga Pilipino sa paggunita ng pasko sa pamamagitan ng serye ng pagsimba. Para sa maraming Pilipino, ang Simbang Gabi ay mahalagang tradisyong nagpapaalala ng tunay na diwa ng pasko. Sa kalaunan, naging isang simbolo na rin ang Simbang Gabi ng giving.
     
  7. Monito, Monita
    Sa iba?t ibang bansa, iba?t iba rin ang paraan kung paano magpista ng pasko. Pero, uso rin sa karamihan ang exchange gifts.

    Sa Pilipinas, may tiyak na paraan para magbigayan ng regalo, at ito ang Monito, Monita. Dito, nagbubunutan ang mga tao sa kung sino ang reregaluhan nila. Bawa?t araw o linggo, pasikreto kang magreregalo sa Monito o Monita mo hanggang sa dumating ang mismong Christmas party. Kadalasan, ang mga regalo ay nakaayon sa isang tema — kunwari: “something blue” o “something spicy.”
     
  8. Belen
    Isang staple decoration tuwing pasko, ang belen ay isang munting eksibisyon ng pagkapanganak ng Hesu Kristo sa sabsaban. Kadalasan, makikita mo rin sa belen si Maria at Jose, at ang tatlong hari. Bilang Kristyanong bansa, madalas kang makakikita ng belen sa Pilipinas. Makikita mo ito mula sa mga pampublikong lugar hanggang sa mga munting tahanan.
     
  9. Shopping malls
    Kung sa siyudad ka nakadestino, malamang may shopping malls sa kinaroroonan mo. At malamang, pagnakikita mo ang mga ito, naaalala mo ang paskong Pinoy.

    Bilang mga taong may malakas na family ties, isa sa pinakakinae-excite ng mga Pilipino tuwing pasko ay ang Christmas shopping. Gustong gusto ng mga Pinoy na i-maximize ang panahong ito para maregaluhan ang mga mahal sa buhay.
     
  10. Pamilya
    Ayon nga sa kasabihan, “Home is where the heart is.” Malamang, ang puso mo ay nasa mga mahal mo sa buhay. Sa Pilipinas, halos requirement na ang magkaroon ng family reunion tuwing pasko. Tila hindi pwedeng magkaroon ng pista nang hindi nabubuo ang pamilya. Para sa mga Pinoy, ang pasko ang panahon ng pagmamahalan at pagkekwentuhan. Kaya naman, kahit walang handaan o dekorasyon, basta?t kumpleto ang pamilya, nandiyaan ang tunay na diwa ng pasko.
     
Buti na lang ay may teknolohiya na ngayon para maabot mo ang mga mahal mo sa buhay kahit nasa malayo ka. Huwag mong kalilimutang batiin sila ng maligayang pasko! Siguradong para naman din sa ikagiginhawa ng pamilya mo ang pagtitiis mo sa ibang bansa. 
 
Isa ka bang aspiring OFW? Alam mo bang may mas pinadaling paraan para abutin ang mga pangarap mo? Magtungo sa WorkAbroad.ph, ang nangungunang overseas job board sa Pilipinas. Ilang click lang dito at matutulungan ka nang makahanap ng trabaho sa ibang bansa!


Loading comments ...
Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here



Jobseekers, do you want to work abroad?

Sign Up Now Login Here

Related Categories

Search for Jobs Abroad